- High School
- You don't have any recent items yet.
- You don't have any courses yet.
- You don't have any books yet.
- You don't have any Studylists yet.
- Information
Filipino 12 - Aralin 2: Larawang-Sanaysay
Tp-exam filipino (fil1022), western philippines university.
Recommended for you
Students also viewed
- Portfolio-SA- Filipino
- Komunikasyon AT Pananaliksik SA WIKA AT Kulturang Pilipino
- Fil9 Q1 W1C - Filipino
- DLL Week -3 Ppittp 4TH Quarter
- Ang Dalawang Magtotroso at Ang Gintong Patalim
- FIL9 Q1 M7 v2 - TIYO SIMON
Related documents
- PAG Aaral O Pagsusuri SA WIKA SA Social Media
- Filipino 7 Q3 LAS 1 Week 1 MELC 1
- Filipino 10 Q2 Mod1 Mito mula sa Iceland ver2
- EL Filibusterismo - buod
- Florante AT Laura - mga tauhan
- 1 - Direksyon ng pelikula
Related Studylists
Preview text, senior high school, modyul sa filipino sa piling larang.
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Ikalawang Kwarter-Unang Linggo-Aralin 1
Larawang Sanaysay
Ikalawang Kwarter – Ikalimang Linggo – Aralin 4
Senior high school.
Development Team of Modyul sa Filipino Writers: Mary Cris B. Puertas, Jane Bryl H. Montialbucio, Shannon Khey A. Amoyan, Joeven A. Baludio
Illustrators: Roel S. Palmaira, Mel June C. Flores, Althea C. Montebon, Mary Clarence G. Madero
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor Mary Cris B. Puertas
Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan , Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon, JV O. Magbanua, Shannon Khey A. Amoyan
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr., Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales, Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Filipino - Baitang 12 Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Larawang Sanaysay Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
1 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
Magandang Buhay! Malimit nating maririnig na ang isang larawan ay katumbas ng sanlibong salita. Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga komlikadong ideya sa pamamagitan lamang ng isang larawan. Kaya naman karaniwang kamangha-mangha ang resulta kapag pinagsama-sama at inayos ang mga larawan. Ang pag-aayos na ito ng mga larawan upang maglahad ng mga ideya ay tinatawag na larawang sanaysay o pictorial essay. Tutugunan natin sa bahaging ito ang kahulugan ng larawang sanaysay o pictorial essay batay sa mga sumusunod na kompetensi: nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f- 93). ; at nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r- 94). Bilang pagtugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang mga tiyak na layunin: nakabibigay ng kahulugan ng larawang sanaysay o pictorial essay ; nakatutukoy ng mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng larawang sanaysay o pictorial essay ; nakasusuri ng halimbawa ng larawang sanaysay o pictorial essay; at nakasusulat ng larawang sanaysay o pictorial essay .
Nasasabik ka na ba sa bagong aralin natin? Halina’t umpisahan natin sa simpleng pagsubok.
Gawain 1. Panuto: Ikaw ay mahilig kumuha ng litrato o larawan gamit ang iyong kamera sa cellphone. Ipagpalagay na ikaw ang kumuha ng mga larawan sa mga cellphone na nasa ibaba at ito ay ipopost mo sa isang social media site . Ano ang sasabihin mo sa mga larawan? Isulat ang iyong sagot sa loob ng isang kahon.
2 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
Gawain 2. Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. 1. Naiintindihan mo ba ang nais ipabatid ng mga larawan kahit walang nakalagay na kapsyon? Ipaliwanag. ______________________________________________________________
Gaano kahalaga ang mga larawan sa pagbuo ng ideyang inilahad? ______________________________________________________________
Suriin naman natin ngayon ang nalalaman mo na sa araling tatalakayin sa
pamamagitan ng pagsagot sa paunang pagtataya. Handa ka na ba?
Gawain 3. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang salitang KAMERA kung ang pahayag ay TAMA at LARAWAN naman kung MALI.
______1. Naglalayong makapagbigay ng babasahin at larawang nagpapakita ng isyung maaaring mapag-usapan ang isang nakalarawang sanaysay. ______2. Ang larawang sanaysay ay kombinasyon ng potograpiya at wika. ______3. Ang tekstong nakapaloob sa nakalarawang sanaysay ay kadalasang may journalistic feel. ______4. Kailangan na walang caption ang mga larawang gagamitin sa pagbuo ng isang nakalarawang sanaysay. ______5. Ang mga larawan sa isang nakalarawang sanaysay ay binubuo halos ng close-up shot.
4 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
Uri ng Larawan Ang pangunahing larawan (lead photo) ay maihahalintulad sa mga unang pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na sino, saan, kailan at bakit. Ang eksena (scene) ang pangalawang litratong naglalarawan ng eksena ng isang larawang sanaysay. Ang isang larawang sanaysay ay kailangang may larawan ng tao (portrait) . Ipinapakita nito ang tauhan sa kwento. Ang mga detalyeng larawan (detail photo) ay nakatutok sa isang elemento gaya ng gusali, tahanan, mukha, o mahalagang bagay. Gaya ng detalyeng larawan, pagkakataon ng larawang close-up na tumuon sa ilang bagay. Ang signature photo ay ang larawang magbubuod sa sitwasyong masasalamin sa larawang sanaysay.
Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera
Establishing / Long Shot
Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
Medium Shot
Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas. Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong nag-uusap.
Close-Up Shot
Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon ng much at sulat-kamay sa isang papel.
Extreme-Close Up
Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye lamang mula sa close-up. Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa mata lamang sa halip na sa buong mukha.
5 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
High Angle Shot
Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim
Low Angle Shot
Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
Birds Eye-View
Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng larawang-sanaysay: Pumili ng paksa ayon sa iyong interes. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaang dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kumpara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.
Ano ang mahalagang konseptong natutunan mo pagbuo ng isang larawang sanaysay batay sa iyong binasa? Gamitin ang graphic organizer sa ibaba para sa iyong kasagutan.
- Gaano kahalaga ang larawang gagamitin sa pagsulat ng isang nakalarawang sanaysay? _________________________________________________________________
Mga Dapat Isaaalang-alang sa Pagbuo
7 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
Bukod sa aking pamilya, lubos din akong nagalak sapagkat ako’y muling kumonekta sa aking mga childhood friends at napagtanto ko na mga tunay pala silang kaibigan na handang tumulong sa lahat ng pagkakataon. Kahit matagal kaming hindi nagkasama, hindi ko ito naalintana sapagkat napakadali para sa amin ang mapalapit muli sa isa’t isa. Samu’t saring kuwento ng kani-kaniyang buhay ang naging pulutan namin, isang alaalang hinding-hindi mabubura sa aming mga isipan. Dahil sa kanila, tunay na naging madali ang limang buwan. Sa gitna ng pandemyang ito ay nahanap ko rin ang ilan sa mga kakayahang hindi ko alam noon. Nagdulot ng ngiti sa aking puso ang paglikha ng mga cement pots na isa sa mga naging pamatay-oras ko upang maging kapaki- pakinabang ang limang buwan. Naging puhunan ko ang pawis upang makagawa ng samu’t saring obra na may iba’t ibang tinta na sumasalamin ng aking emosyon. Bawat piraso nito ay sumisimbolo ng aking pagtiyaga sa pagdidisenyo, pagpapatuyo, at pagkukulay na naging tulay upang mailabas ang mga stress na aking nararamdaman. Sa kabila ng mga naging biktima ng nakamamatay na virus sa buong mundo , hindi ito dapat maging dahilan na tayo ay tumigil na rin sa ating mga buhay. Ang unos na ito ay nagdulot ng kadiliman sa ating kasaysayan, ngunit hindi maikakaila na may pag-asang naghihintay sa kabila nito. Ang pagkakaisa ng lahat, pakikipagkapwa at pagtulong sa nangangailangan ay iilan lamang sa mga dahilan kung bakit hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa. Kung nababalot man ng kadiliman ang araw na ito dahil sa hindi pa rin natatapos ang pandemya, siguradong may bukas pang liliwanag na punong-puno ng pag-asa na tayo ay makababangon din nang sama-sama.
Ano-anong mga karanasan ang hindi malilimutan ng manunulat sa panahon ng pandemya? ______________________________________________________________________
Sapat ba ang bilang ng ginamit na larawan upang maipahatid sa mambabasa ang mensahe? Pangatwiranan.
May kaisahan ba ang mga ginamit na larawan? Pangatwiranan.
8 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
- Batay sa larawang sanaysay na ginamit sa itaas, tukuyin ang mga sumusunod: a. Tukuyin ang larawan na maituturing na lead photo , isulat lamang ang bilang ng larawan._______________ b. Tukuyin ang larawan na maituturing na detail photo , isulat lamang ang bilang ng larawan._______________ c. Tukuyin ang larawan na maituturing na clincher photo , isulat lamang ang bilang ng larawan. _______________
- Kung tatanggalin ang nakasulat na teksto, mauunawaan mo ba ang mensahe ng sanaysay sa pamamagitan ng mga larawan lamang? Patunayan.
- Sa kabuuan, nagtagumpay ba para sa iyo ang binasang larawang sanaysay? Pangatwiranan ang sagot.
Natapos mo ng basahin ang mga mahahalagang konsepto na may kinalaman tungkol sa akademikong pagsulat ng larawang sanaysay at nasagutan ang mga gawain hinggil dito. Ngayon mas higit pa nating palawakin ang iyong nalalaman batay sa pagsagot sa mga katanungan.
Gawain 1. Panuto: Maghanda ka ng isang simpleng larawang sanaysay tungkol sa buhay ng iyong pamilya o komunidad sa panahon ng pandemya.
10 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
Gawain 1 Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasagutan hinggil sa konseptong tinutukoy ng mga pahayag sa pagbuo ng larawang sanaysay. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
___________ 1_._ Uri ng larawan na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na sino, saan, kailan, at bakit. ___________ 2. Kuha ng kamera mula tuhod paitaas mula baywang paitaas. ___________ 3. Ito ay ang larawang magbibigay sa mga mambabasa ng emosyong nais iparating tulad ng pag-asa, inspirasyon, kaligayan at iba pa. ___________ 4. Sangkap ng nakalarawang sanaysay na inaayos ayon sa pagakakasunod-sunod ng mga pangyayari at layunin nito ang magsalaysay o magkwento. ___________ 5. Mahalagang elemento ng nakalarawang sanaysay na nakatutulong upang maintindihan ng mambabasa ang kanilang tinutunghayan. ___________6. Itinuturing itong kombinasyon ng potograpiya at wika. ___________7. Ang pokus sa pagkuha ng larawan ay sa isang particular na bagay lamang, hindi binibigyang diin ang nasa paligid. ___________8. Kailangang maikli lamang ito at karaniwang may journalistic feel. ___________9. Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas. ___________10. Larawan itong nagbubuod sa sitwasyong inihayag sa nakalarawang sanaysay.
Ngayong lubusan mo nang nauunawaan ang aralin tungkol sa mga konsepto ng pagsulat ng larawang sanaysay natitiyak kong magiging mahusay ka sa presentasyong iyong gagawin bilang produkto ng iyong natutunan.
A. Medium Shot G. Low angle Shot B. Teksto H. Caption C. Signature Photo I. Lead Photo D. Larawan J. Clincher Photo E. Close-up Shot K. Nakalarawang Sanaysay F. Birds-eye View
11 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
Gawain 2 Sitwasyon: Ikaw ay isang professional na photographer at inimbitahan ka ng inyong Local Tourism Officer para sa isang exibit na nagpapakita ng iba’t ibang mukha at kwento ng pandemya. Mula rito, bumuo ka ng isang larawang sanaysay at ipasa ito sa pormat na A4 o letter size portrait. Ikaw ay bibigyan ng iskor batay sa rubrik na nasa ibaba.
Rubrik para sa Mahusay na Larawang Sanaysay Pamantayan 7 5 2 Marka
Introduksyon
Malinaw na nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa gayundin ang panlahat na pagtanaw ukol dito.
Nakalahad sa introduksyon ang pangunahing paksa subalit hindi sapat ang pagpapaliwanag ukol dito.
Hindi malinaw ang introduksyon at ang pangunahing paksa. Hindi rin nakalahad ang panlahat na pagpapaliwanag ukol dito.
Makabuluhan ang bawat talata dahil sa husay ng pagpapaliwanag at pagtalakay tungkol sa paksa.
May kakulangan sa detalye ang pagpapaliwanag at pagtalakay sa bawat talata tungkol sa paksa.
Walang sapat na detalye sa pagpapaliwanag at pagtalakay sa bawat talata tungkol sa paksa.
Organisasyon ng Ideya
Lohikal at mahusay ang pagkakasunod- sunod ng mga ideya, gumagamit din ng mga transisyunal na pantulong tungo sa kalinawan ng ideya.
Naipakita ang maayos na pagkakabuo ng mga talata ngunit hindi makinis ang pagkakalahad.
Lohikal ang pagkakaayos ng mga talata subalit ang mga ideya ay hindi ganap ang pagkakabuo.
Walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
Halos walang pagkakamali sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
Maraming pagkakamali sa sa mga bantas, kapitalisasyon at pagbabaybay.
May kaugnayan ang lahat ng larawan sa mga detalyeng nakalahad sa larawang sanaysay.
May iilang mga larawang hindi kaugnay sa mga detalyeng nakalahad sa larawang sanaysay.
Halos lahat ng mga larawang ginamit ay walang kaugnayan sa mga detalyeng nakalahad sa larawang sanaysay.
13 Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
- Multiple Choice
Course : TP-EXAM Filipino (FIL1022)
University : western philippines university, this is a preview.
Access to all documents
Get Unlimited Downloads
Improve your grades
Get 30 days of free Premium
Share your documents to unlock
IMAGES